putek!

November 6, 2009. 5:37pm

dammit! yan nga ba ang sinasabi ko eh.

Parang wala ng umuokupa ng isip ko ngayon kundi ung naganap kani-kanina lang. Kung paano ko naramdaman na ang bobo ko dahil sa putris na Grammar na yan.

Maaalis mo ba na they will expect more than what you can give eh sa editorial dept. ako nagkataong napadpad. At ang lekat na grammar at kung ano-ano pang batayan sa ingles ang dapat ay alam mo. Sabi ko na nga ba na hindi ako para dito eh, dahil ayoko ng ingles di dahil hindi pa kami nagkikita ni pareng grammar kundi hindi ko alam kung nakakain ba yon o pwede ba ung ipambayad sa inuupahang bahay namin sa Pampanga na may ala bella flores sa  sungit na landlady. Kung magkaganun man sisimulan ko na ngayon ang pagpapakadalubhasa sa paggamit kay pareng grammar.

Bakit ba nagmamarikulyo ang balunbalunan ko dahil sa nangyari? DAhil yan kay pareng grammar, ng tanungin ako ng boss ko kung anong mali sa isang title ng isang article ay iba ang naisigot ko at nangatwiran pa na pwede naman un nga lang maliit na letter lang ang gamitin sa A.

Geh anong mali dito?

Dating A Aquarius?

… nakita nyo ba?

Dahil jan sa putek na yan kung bakit nafeel ko na ang bobo ko dahil sa hindi ko na matandaan kung nagkita nga ba kami ni pareng grammar eh, katumbas nito ung sabihin na ang tanga mo naman nasa editorial dept ka pa naman.. O diba? Isang malaking OUCH un, di nga lang tuwirang ganun sinabi pero ganun na din ibig sabihin nun diba? Sabihin ba naman na pag-aralan mo ulit ang grammar mo (daig ko pa ang sinampal ng magkabilang dede ng bakla sa kanto) na talaga namang nakapagpaliit ng sarili ko (slyt lang).

Malay ko ba kay pareng Grammar. Cguro nagkasalubong na kami nyan kaso nagtetext cguro ako kaya di ko sya napansin. O kaya naman nagkita na kami niyan dati sa klase ng ilang beses pero baka nung dinidiscuss sya ni titser eh bigla akong nag MAM! may I GO OUT?

Putek na yan. Sabi ko na nga ba bakit kailangan pang mag-ingles eh nas a Pilipinas naman tayo. Alam ko na napaka-lame ng excuse na yan. Kaso wala akong maisip eh. Parang di ko na-carry un. (hala may ganung hirit) kasi napahiya ako dun…

ok cgeh OA na kung OA eh sa un ung nararamdaman ko eh, mix na kasi nandun na napahiya ako, ang bobo ko dahil di ko alam ang pinagkaiba ng paglalagay ng A sa An eklat..eklat…

Aba malay ko ba jan sa pareng grammar na yan, na dapat pala si ING ang kapartner nia ay si An at hindi si A dahil sa vowel sya at blah..blah..blah (naconfuse) un na un. Dahil hindi ko nga lam kung ano ung dapat kay at para kay kaya un wala pang 30minutong nag-iinit ang pwet ko sa upuan eh narambo na agad ako. haizt!

Habang naglilinis ako sa bahay, iniisip ko kung anong ibloblog ko dahil wala ako entry ng mga nagdaang araw, isa sa naisip ko eh ung grammar nga at spelling. pro mas matinbang ang grammar kasi di ko na matandaan kung alin ba ang right grammar at ang hindi basta ang alam ko tama sya pag tama sa pandinig, ung hindi mo masasabing What the Hell is u talking lately? (whhahaha, ano daw?)

iniisip ko bakit may ganun pa, at bakit pag magaling kang mag-english parang ang tali-talino mo at lahat yata ng tao bilib sayo pero pag english karabao ka o ung mga trying hard na mag-english eh para ka lang tangang bobo. Ayokong mag-english ng verbal (tma ba un ah basta labo2 na) kasi ung kinakatakot ko ung masabihan ako ng bobo dahil mali mali ung grammar ko, kaya nga minsan pag may kausap ako pinoformulate ko muna sa utak ko ung sasabihin ko bago ako magsalita dahil sa fear na mapahiya. Sa interviews lakasan lang ng loob at kapalan ng mukha ginamit ko sabi ko bahala na. Kailangan eh desperado na ako. Nakuha ako sa call center, nakuha naman ako kaso di ako pinasa ng trainor namin dahil nga nagtatagalog ako pagkausap ko mga kasama ko (eh bakit naman ako mag-eenglish eh pareho kaming pilipino) kaya ayun isa ako sa na-evict (tsktsktsk) tapos sumunod call center ulit nakapasa naman ako kaso ako din umayaw dahil kung hindi eh magkaka-leukemia ako (ubos dugo dahil sa kakaenglish) dahil nga puro americans ang kausap ko araw2 sa ginawa ng Diyos reklamo ay paulit-ulit lang at paulit-ulit din na paliwanagan ang gawin mo at di ka pa rin naintindihan (gusto mong sigawan ng NAMO! ang kulit ng kilikili mo)

Un lang tanong ng maliit kong utak, bakit kaya english ang ginagawang batayan ng iba sa pagsukat ng karunungan ng tao, na kung sa isang libong taong nagsisiksikan sa isang kwarto at may isang hindi marunong mag-english tingin nila sau LOSER o kaya naman malaking VOVO. ayoko mang isipin na minsan gusto ko ring maging magaling na Ingleshera kaso bakit ko pipilitin diba kung eto lang ang kaya ko, naiintindihan ko naman, nakakapagsulat naman ako, naiintindihan naman ng mga nakakabasa ung english ko ayus na un. Kaso di naman pwede ung kada tanong sau ng nakakasalamuha mo na englisera o simpleng interviewer eh may dala2 kang pen and paper at dun sinusulat mo nalang ang sagot sa papel, ano ka MUte! kakainis lang kasi dinadaan sa pagalingan ng english hindi sa kakayanan ng tao na magtrabaho o gumawa ng mahusay at produktibo ang maging batayan ng pagpasa sa isang bagay o kung anuman. Chaka di naman lahat ng marunong mag-ingles eh magaling. (naks pampalubag loob)

May mag advantages at disadvantages talaga kapag marunong kang mag-ingles at malamang sa kulang (huh?) ang hindi marunong mag-ingles ay laging huli at nakakatawa sa paningin ng iba.

Kung pede nga lang daanin sa suntukan ang salita naku siguro marami na sigurong bugbog sarado.

Natanong ko tuloy sa sarili ko, kung mamaster ko ba ang grammar at spelling mabibigyan ba ako ng extra income nito sa pinapasukan kong trabaho ngaun? Na makakatulong itong mapakain ang mga pulubi sa kalye?

Pilipinas ito hindi America pero kailangang sumabay sa  agos kungdi matatabunan ka ng mga nagpapanggap na maalam at mga sosyalerang wala naman sinabi pag-aksyon na pinag-usapan

(oppsss! Tabi-tabi po)