Mga futanginhang mga gods ng kumpanya!

Mukhang malabo yata ang hinihintay kong pakikipagbuntalan ng salita sa mga gods ng kompanyang ito. Nakakainis dahil ang mga bagay na concern sakin ay sa nagpasok sakin dito sila nakikipagbuno. Tangina naman, wala ba ko sa tamang pag-iisip o walang bibig para itanong pa sa iba kung anong ikina-iinit ng tumbong nila? Walang silbi ang isa’t kalahating araw ko ng pagprapractice ng kung anong sasabihin at isusupalpal sa kanila. Mabait naman ako, di naman ako walang modo at marunong naman ako gumalang at sumagot ng tama sa mga amfutang mga gods ng kompanya ito. Nangangati na ang lalamunan ko at nagrarambulan na ang mga daga sa dibdib ko sa kagustuhang maipahayag ng malaya ang kung ano mang nasasaloob ko.

Anong pumipigil sakin? Di naman nila ako tinawag eh, (sabi ko nga sa inyo ung nagpasok sakin ang pinatawag at nubenta nueve pursyento sigurado tinanong kung anong kailangan ko) WATDAFAK! ang hirap naman na ako mismo ang mademand sa mga gods ng kompanya na, HoY! Mga madafakin gods ng kumpanya,  gusto ko kayong kausapin dahil sa hindi makataong pinaggagawa nio sakin… Hindi naman pedeng ganun di ba? On the contrary, pede kaso naman! mga dyos pa rin sila ng kompanya at ako’y isang alipin lamang ng kanilang MAKATARUNGAN AT PUNO NG FAIRNESS na kumpanya.

Nasayang lang ang pagsusuot ko ng polo shirt, ang pagprapractice ng mga makadurog pusong mga salita at sapul sa kaluluwang mga patama na siguradong hindi na nila nanaisin pang makita ako.

Pero totoo,  masamang, masama ang loob ko, siguro isa na rin ito sa magiging dahilan sa pag-alis ko kapag nakapasa ako sa isa pang mapang-aliping din kumpanya inapplayan ko ngayon, dahil duon ang dala ko lang ang sarili ko, bitbit ko ang prinsipyo ko, walang aabor sakin at magiging tulay upang malaman ang nasasaloob ng katawan ko at utak kong kakarampot kundi ang sarili ko, walang ibang magdidisisyon kundi AKo at walang ibang sisihin kundi ako…

Di man ako kasing galing ng iba, kasing perfect sa spelling at grammar ng mga valedictorian ng batch ko pero may isa akong katangian na alam kong akin lang at ito ang pagtayo sa alam kong tama at nararapat at sa paggawa ng aking best…

PS. kailangan ko ito, kaya napasulat ako…