DINGDONG…


Syete! Ayoko mang aminin pero ikaw lang nakapagpaluha sakin ng ganito.

Ikaw na hindi ko aakalain na makakapagpabago sa nakakastress na araw ko. Pinilit kong magmaasim at magpretend na wala lang sa mga syeteness mo… Isa lang ang masasabi ko, binuhay mo ang katawang kaluluwa ko!


Utangngkapitbahay… Tae ang di matawa bungal!

BROKEN GLASS


“Sinong katext mo? Patingin nga?”

“Wala!”

“Patingin”

Sabay hablot ng cellphone mula sa kamay niya.

1 TEXT MESSAGE RECIEVE

” Wer U? Cn u drop by? I miSs U”

“Sino siya?”

Sabay kuha ng cellphone mo mula sa kamay ko.

“Wala to’, baka namis-sent lang”

“Kilala kita, sino yan? Babae mo ba yan? Magsabi ka ng totoo! Niloloko mo na naman ba ko”

Pinaghalo-halong galit, pangamba at sakit ang naramdaman ko, dahil parang alam ko na ang mga susunod na mangyayari. Parang rewind, na kahit gusto kong i-fastforward ang lahat sa parteng tapos na ang lahat kaso alam kong hindi pwede. Dahil alam kong unti-unti na naman akong mamamatay.

Bakit mo binura yung mga messages mo!”

“Ano ka ba, sinabi ng wala nga yun ba’t ba ang kulit mo”

“Kilala kita ‘wag mo na kong lokohin pa!”

“Oo, girlfriend ko sya! Ano masaya ka na!”

Nakakabinging katahimikan, sa sobrang sakit parang pati pagluha ay hindi ko na nagawa. Ang sakit na pati kaluluwa ko impit na nanana-ghoy.

“Break na tayo!”

“Di break!”

Habang lumalayo ka, gusto kong magmaka-awa at sabihin nagbibiro lang ako. Huwag mo kong iwan, mag-umpisa ulit tayo, tulad ng dati. Ngunit palayo ka ng palayo hanggang sa pati anino mo hindi ko na matanaw. Napa-upo ako, nanghihina. Para lang eksena sa pelikula. Hindi ko namamalayang wala na palang patid ang luhang dumadaloy sa mukha ko. Ano pa bang kulang? Minahal naman kita sa paraang alam ko, bakit nagawa mo pa rin akong lokohin? Hanggang sa ang tahimik na pagluha ay naging hagulgol. Sobrang sakit.

 

Bakit?

 

Anim na taon na pagsasama, anim na taon na nasayang at nabalewala ng ganun-ganun nalang. Ang daming tanong sa isip ko. Sana sa pagluha ko kasama nito sa pag-agos ang lahat ng sakit na dulot mo, ang panghihinayang, ang mga pangarap at ala-alang sabay nating binuo. Sana mawalan ako ng ulirat at di na magising pa.

 

“Prrrrrrrrrttttttttttttttt…. prrrrrrrrrrtttttttt!”

 

6:15 am…

Umaga na pala…

 

 

 

 

 

 

 

 

3 taon na pala ang nakakalipas simula ng mangyari yun… Parang kelan lang…