THE BATTLE’S JUST BEGUN


Tirik na tirik ang araw.

Ang layo na nang nalakad ko, hingal kabayo na at tagaktak na ng pawis sa buong katawan, ngunit hindi ko kailangang huminto… Hindi ngayon, hindi kailanman.

Kahit pagal na ang munti kong katawan hindi ako dapat sumuko.

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, isa-isang may humarang sakin, suntok, tadyak, palo ang inaabot ko, bakit? anong kasalanan ko? impit na usal ko. Ini-angat ko ang aking kamay para lamang mabigwasan lang ng pagkalakas-lakas, dahilan upang masubsob ang mukha ko. Walang nagawa ang mga pagsalag ko, hindi sila nakuntento hanggat hindi nila nakitang lugmok na ako at namimilipit sa sakit. Hindi ko magawang makaganti, namamanhid ang buong katawan ko. Kailangan kong lumaban sigaw ng isip ko, ngunit kung hihinto ako sayang ang oras malayo-layo pa ang lalakarin ko. Minabuti kong tumayo, kahit nanginginig ang buong katawan, pinilit kong tumayo at magpatuloy. Naririnig ko ang kanilang halakhak at sigaw.

Hindi inda ang sakit at kirot na dulot ng mga sugat, bugbog at pasang natamo mula sa mga kalaban…

Nagpatuloy akong maglakad, wala pa ako sa kalahati ng maramdam ko na masakit na ang aking paa, namimintig at parang hindi na ma-iangat sa lupa.

Asan ka na ba?, usal ng isip ko.

Nagpahinga ako saglit, ngunit lalo ko lamang naramdaman ang tindi ng sakit.

Asan ka na? Asan ka na ba?

Ang mahinang usal ay palakas na ng palakas… na naging palahaw… ASAAAAAAAAANNN KA NAAAAAA?!!!!, ngunit wala akong narinig mula sa iyo

Binalot ng katahimikan ang buong paligid, wala akong makita ni isa, hinanap kita, hinahanap ka ng puso ko, umaasam sa mga pinangako mo.

Huwag ngayon please… huwag ngayon…

Malapit ng bumigay ang katawan at isipan ko,

Hindi, hindi pwedeng magtagal ng ganito, kailangan kong magpatuloy, kailangan… Hindi ngayon, hindi kailanman. Alam ko, hinihintay mo ko sa dulo, umaasam ang puso ko na hinihintay mo ako, hindi mo ko matitiis alam ko, hintayin mo ko… Kakayanin ko to’.


Marami pa akong dadaanan bago makarating Sa’Yo, marami pa kong laban haharapin. At alam ko habang papalapit ako Sa’Yo mas maraming sugat, hapdi, bugbog, at pasa ang dapat kong tiisin. Alam ko, lahat ng pagal, sakit, hirap ay mawawala kapag yakap mo na ako, lahat yan kakayanin ko, hindi na kailangan pa ng salita, hiling ko lang SA’YO huwag mo kong bitawan.. at di rin ako bibitaw. “Hindi ngayon, hindi kailanman.”

43 thoughts on “THE BATTLE’S JUST BEGUN

  1. Question lang, bat kelangan nyo magtagalog ng malalim? Nahihirapan me much!

    Anyways, yung picture ba sa taas eh sina Mary Magdalene at Jesus? Bakit sobrang iksi ata ng shorts ni Jesus?

    • Vaj talaga…

      that’s the image of la pieta…Mother Mary holding Jesus’ lifeless body after He was taken down from the Crucifix.

      anyway, this is one of the images that strike me most because this is also the height of the Mother’s sorrow…Incidentally, we celebrate the feast of Our Lady of sorrows every 15th of September.

      Good work, Lian. I liked your post here. very poignant, sobrang nakakatouch… nung una, naimagine ko kung paano ang pakiramdam ni Jesus while He was on His way to Calvary…at sa huli’y ang kagustuhan mong maging mas malapit sa Kanya kahit pa napakaraming hirap, dagok, sugat at hapdi ang daanan mo, dahil alam mo ring ang daan patungo sa Kanya ay hitik sa mga ito.

      Mahalaga ang vision sa kahit anumang kailangang marating sa buhay dahil matapos ang lahat ng hirap at pasakit, may naghihintay na ligaya. 🙂

      • momy!!! hug muna ko 😀
        di ko alam na sept.15 pala ang our lady of sorrows now ko lang po nalaman. habang sinusulat ko yan napapagod na ko sa lahat pero ayokong bumitaw dahil alam ko di sya bumibitaw sakin… we all suffer, we all have our own battles iba-iba nga lang. Madami mang di naniniwala o iba2 ang paniniwala sa huli sya pa rin ang huhusga. He never fails me,alam kong hindi ngayon at hindi kailanman… salamat momy! 🙂

    • pasensya naman anini, ayoko sanang i-publish kasi tingin ko nga ang bigat pero kailangan ko kasi syang irelease kasi malapit na rin akong bumigay… buti mahigpit ang pagkakapit nia sa kamay ko, baka nahulog na ko…
      malalagpasan din natin toh anini, di NYA tau iiwan hindi ngayon, hindi kailanman…

  2. lahat tayo nararanasan yang pagod at sakit na yan..minsan sobrang sakit na na parang gusto mo nang tapusin pero nakakahiya dun sa TAONG matiyagang naghihintay sa atin

    • tama ate joyo, sayang naman ung eport NYA sa hindi pagbitiw. Kung SYA nga di kailanman sumuko ako pa? fight lang ng fight. Lahat may rason, kahit ngayon di ko maintindihan pero nagtitiwala ako sa KANYA. kakapit ako ng mahigpit sa kamay NYA. salamat ate joyo. 😀

  3. hnd ko lam kokoment ko.. kc nung bnsa ko prang pang lablyf pero nkita ko c jesus en mam mary sa pix.. ewn! gnito b inlab? adik lang! ahhalolz! bsta wateber it is lht ng pagsubok na pumasok cgurdong my lalabasan yan! ehehe.

    • ehehe, hindi halatang superinlab ka kayedee… parang lahat sa paligid mo red. ehehe, di ka parang adik, adik ka tlaga! ehehe, ako lang bang green minded sa huling tinuran mo kayedee… napatawa ako dun, hahaha 😀

  4. hmmm. ang ganda sobra akong na moved..

    s lahat kc ng narrmdaman nateng hirap, pagod, at problema, mas malake pa ba un kesa sa pinagdaan ni jesus? asking myself, dear.

    🙂

    • maraming salamat sa pagdapo Bb.sows, kaya nga wala tayong karapatang bumitiw, sabi nga ni ate joyo nakakahiya sa dun sa TAONG matyagang naghihintay sa atin… God bless bb.sows

  5. naalala ko yung mga naglalakad papunta sa grotto (bulacan) tuwing holy week. kung saan ang mga mahihina ang pananampalataya, umuuwi sakay ng jeep pabalik.

    at wala itong connect sa post mo.

  6. kailangan kong makarating sa dulo kahit anuman ang mangyari sabi nya sa text kanina maghihintay daw sya nasa dulo daw sya matyagang naghihintay 🙂

    nice post Lian! 🙂

    • salamat bb.anne, oo, tama nandun SYA sa dulo naghihintay satin. Kaya bawal mag-backout kundi mapapalo tayo. 😀

      hugsss Bb. anne (hugsleft)

  7. @pong – ok kumu, tama ayokong mapalo, mas masakit un…ehehe
    oo ba, uhmmm… ano ba ung PEBA? nakakain ba un?o eto ba ung basketbol? ehehehe…

  8. ehehe, bagya mu, nataranta nga ako eh… ehehe
    pero boboto pa rin naman kita kahit di na pwersahan… ehehe, nauhan mo lang ako.:D

Leave a comment