HAPI BUSRTDEI gnehpalle02

Eksaktong isang taon, 3 oras at dalawangpu’t limang segundo na ang nakalipas. Ng sinimulan kong dudutin at gahasain ang aking keyboard at magbuga ng mga walang kakwenta-kwentang mga sheteness sa buhay ko, sa mga paniniwalang baluktot at sa kakulitan ko na tinangkilik naman ng mga walang suhol kong taga basa. Sila na patuloy na nagbibigay ng limos sa isang papampam na feelengera dito sa mundo ng blogsperyo. Sila na nagbigay inspirasyon, kulit at saya sa buhay kong walang kalatoy-latoy. Sila na tinanggap ako sa kabila ng kakulangan ko. Kahit na hindi man nila nakikita ang pisikal kong anyo malugod pa rin nilang inakap-sabay-shuba-tsup-tsup ang GNEHPALLE02. Isang taon na ako ditong pagala-gala, isang taon na rin na nakikigulo, nakikisiksik at nakikidagdag sa pagtapon ng mga walang kwentang kwento, isang taon na pala ang lumipas…

Ang bilis naman, parang kelan lang…

Hindi kasing ingay, at kasing exciting tulad ng iba ang pagcecelebrate ko ng aking isang tao, wala akong pakontes na pwedeng salihan. Tahimik, parang magnanakaw na walang ingay na pumasok sa kabahayan nangolekta ng mga ginintuang aral, kabulastugan, at kung ano-ano pa sa mga manunulat na nagbigay espayo yung makapasok ako ng tuluyan sa mundong kanilang ginagalawan. Gaya nung una ako lang mag-isa, ngayon ako lang mag-isa ang nakakaalam na kaarawan ko na. Gusto kong namnamin ang saya na dulot ng pagkakaroong mga kaibigan, kakilala at kakulitan dito sa mundong birtwal.

Maaaring hindi man ako magaling magsalaysay, mag-ingles sa tamang tayutay, ngunit patuloy pa rin akong magsusulat. Dahil dito nakikita ko ang kalahati ng pagkatao ko, ang kalahati ng ako na walang bahid na maskara.

Gusto kong pasalamatan ang mga taong naglaan ng oras para pansinin ako. 😀

Kay ATE JEAN, na kahit na hindi kami in goodterms isa sya sa bumuo at unang nagbigay inspirasyon na kaya kong tumagal dito sa blogsperyo,

Kay GINOONG MALDITO, CHIXSILOG, LIO LOCO na nagpunla ng mga kaalamang hindi mabibili sa sari-sari store, kay KUYA BERNARD para sa magagandang mga akda na lalong nag-inspire sakin para sumulat ng makabuluhang sulatin. Kay LOLO KULISAP na nagbigay daan upang madapuan ng mga iniidolo kong manunulat ang aking munting tahanan. Kay MOMY KO (momy kaye) na nagbigay ng pagmamahal, unawa at inspirasyon ng isang ina, KAY DADY BONG na bagamat bago lamang ako sa paningin niya ay tinanggap niya ako ng maluwag at binahagian ng kanyang mundo, Kay ANINI na bagama’t hindi madalas mag-usap o magkabisitahan sa mga bahay-bahay alam kong isa siya sa unang umakap sakin bilang manunulat, kay BB. KUHRA na madaling nakapalagayan ko ng loob, kay BB. JONGSKIE, kay JESON HAMSTER na sinubaybayan ko ang bawat kwentong pambata, kay GINOONG DAHN na nagbibigay kabuluhan sa mga bagay-bagay, kay KUYA CHEESECAKE, kay KUYA DUKING na bagama’t hindi ko close ay isa sa mga paborito kong blogger, kay ATE ANNE na nagbigay saya sa bawat astig na mga akda, kay ATE JOYO na nagbigay faith na gaano man kaulan ng buhay may masisilungan ka parin, kay VAJEE na bagama’t straight forward kung magsalita ngunit sa likod nito ay isang mapagmahal na nilalang, kay BB. SALBE na balahura man ang ibang mga akda, maharot man ang kilos kakikitaan naman ng busilak na puso, kay LEEMI, ARNY AT KAYEDEE na naging mga kaibigan ko. Gusto kong MAGPASALAMAT SA INYO sa paghahandog ng kanya-kanyang payong upang masilungan ko. Kayo ang nagdagdag kabuluhan sa aking buhay. Hindi ko man masuklian ang inspirasyon at sayang dulot ninyo sa akin, lagi ko naman inuusal ang iyong kaligayahan…

HAPPY BERTDAY sau GNEHPALLE02!!! Marami pa tayong pagsasamahan sana wag kayong magbago! LOVE U ALL! (group hug)

*insert teary eyes here

GRAMMATICALLY Wrong…

Before I was wishing to be dead, but eventually I realize how life is good and how my parents need me, then my wish became Pls. God let me live much longer… But now, I felt that I’m nearing the end (ok, I know it’s just my fuckin’ mind who gives me freakin’ hell of goosebumps for thinkin’ this way) I’m currently suffering from excruciating pain in my lower abdomen and I don’t have any idea what was happening to me. All I know is that I’m a trying hard bitch who is so fuckin’ hardheaded not to consult a doctor. So that leaves me so pathetic (ok I know that). Truth, it scares hell out me if ever I found out that I’m about to die anytime soon. I don’t want others to pity me; I want them (others) to treat me normal and not act nice and cuddly because I’m dying. FYI – I’m not really dying, it’s just that I’m feeling that I was, because of the pain I’m feeling now. But if ever it’s really my time, then I will spend every little minute with my mom and dad, say sorry for being bitch to others, and thank all the people who believe and trust me. I hope by this I could enter heaven (hehehe) so that I could watch over everybody. Oh wait, did I say I don’t want to die as in now?

Well this is the result of being alone in the office, enduring this damn pain and trying to write in English, well this leaves me nosebleed… 😀