ang sarap mong latayan gamit ang buntot paging

Kung pede lang ipain ang kapatid sa mga hostage taker, abu sayaff, NPA at MILF unang-unang ipapain ko ang kapatid ko. Alam kong masama ang mag-isip at humiling ng masama sa ibang tao lalo na at kapatid ko ang involve pero mas gugustuhin ko nang maging masamang tao dahil sa hinayupak kong kapatid na wala ng ginawa kundi bigyan ako ng sakit ng ulo at galit sa mundo. Kulang na lang talaga ay kumuha ako ng dos por dos at ipaddle sa binti niya. Hanggang malumpo sya ng sa ganun mahirapan siya. Mahal ko ang kapatid ko at sa abot ng aking makakaya ay talaga namang ginagawa ko lahat para lamang maging maayos ang pakikipag-usap ko sa demonyong yon kaso nauubusan talaga ako ng dugo pagsumasagot na ng pabalang na kala mo siya ang nagpapalamon sakin. Ang hirap kasi pagmay kailangan ang bait kulang na lang halikan niya ang pwet ko pro pagwala na babalik sya sa pagiging demonyo at nanaisin ko na naman patayin siya ng buong-buo.

ako: nagbigay ka na ba sa ilaw at tubig? sabi mo tutulungan mo ko, wala na kong pera eh.

sya: hindi pa, aalis ako di ako makakabigay dun.

ako: ano ka ba? maawa ka naman sakin, di ko kaya lahat, sabi mo tutulungan mo ko.

sya: kaya mo yan!

sino ang hindi mag-iinit ang dugo at makakapagpigil na hindi mapatay ang sariling kapatid.

Simula ng magtrabaho ako, ako na ang lahat ng sumusoporta sa pamilya at hindi ko sinusumbat yun dahil alam ko obligasyon ko yun. Wala na kong hiniling kundi na sana tulungan niya ako dahil hindi ko kaya ang lahat bukod sa maliit lamang ng sweldo ko at may trabaho naman sya. Nagawa ko ng humiling at magdasal sa lahat ng santo at santa at sa Dyos na sana tulungan niya ko kahit di na kami mag-usap habambuhay basta tulungan niya ko ay sapat na sakin. Pero tulad ng pagiging mailap ng swerte, matatagalan yata bago maaawa sakin ang demonyo kong kapatid. Kung nasa harap ko lang siguro ngayon ang kapatid ko, kulang siguro ang salitang baka mapatay ko sya dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Unahin kong suntukin ulo niya baka sakaling maalog at magka-isip. Ako na ang masamang ate sa buong mundo pero sya na ang pinakademonyong kapatid na nakilala ko.

Nakakapagod na minsan na maging mabait sa pamilya, di naman ako bangko na kada kibot meron ilalabas, pero tulad ng dati isang “pasensya na anak” ay babalik ako sa pakiramdam na gusto kong kumuha ng kutsilo at gilitin ang sarili ko leeg dahil nagsalita/nagreklamo pa ako…

The Boy-Who-Lived (as a supercritic)

Uumpisahan ko ang aking akda sa pagsasabing hindi ako aasa na mabunot ng mahiwagang kamay-slash-okunganumananggagamitinpangbunot ng may-ari ng datkom na ito ang aking akda dahil ayokong maihampas ko ang mura kong katawan sa pader sa sobrang depresyon dahil hindi ako ang isa sa mga nabunutan ng puting buhok-slash-kulot na buhok sa kili-kili sa pakontes shit niya. At dahil mahaba na ang introduction, uumpisan ko na kung bakit kailangang pag-aksayahan ng oras ang pagtunganga at basahin ang kung anu-anong shits sa bahaykuta niya.

1. Dahil puno ng substance ang kaniyang sinusulat (ito ay iyong mga tagos sa lamang loob na obserbasyon niya sa ating ginagalawang Country).

2. May kakaibang hipnotismo ang bawat titik na kayang sinasalitype at ibinubuga sa blogsperyo.

3. Isa siya sa mga unang hinangaan kong blogger dahil sa angking galing sa pagpapahayag ng kanyang nasasaloob.

4. Maangas ngunit mabuting makipagkapwa tao base lamang ito sa sariling palagay (ewan ko sa iba, ehehe)

5. Napapalabas niya ang iba’t-ibang emosyon ko tuwing may mga akda. (minsan may bahid ng pagkainis dahil sa kaangasan, minsan napapasang-ayon ako dahil sa tuwirang pagkakasapol sa napapanahong mga paksa, napapahanga sapagkat maalam sya sa bagay/akdang kanyang tinatalakay, minsan nagugulat sa mga mahahalay na salitang kanyang isinasatitik)

6. Wala kang tulak kabigin sa husay niya mapa-English o Filipino ang akda talaga naman mababalanguyngoy ka sa pagkaastigin ng mga akda. Mabuti na lamang at tagalog na ang kanyang gamit ngayon dahil nakakabrain hemorrhage ako sa tuwing makakabasa ako ng kanyang akdang Ingles.

7. Isa sya sa mga paborito kong blogger (sa kasamaang palad totoo ito, hahaha)

8. Opps… nasabi ko bang isa sya sa mga paborito kong blogger?

9. Mahilig syang magpakontes. (marahil siya’y superinlababo kaya bumubuhos ng kabutihang loob ang maangas na si ginoong lio \m/)

10. Last but definitely not the least, binubuhay niya ang katawang lupa ko dahil sa mga tahasan pagtuligsa, pagsang-ayon at kung ano-ano pang shits (madami un kaya shits, nyahaha) sa mag katulad kong hampas lupang nag-aaral pang kumain ng maraming star margarine para masabing isang tunay na blogger at hindi ka lamang nagtatapon ng kung ano-anong basura sa maliit na espasyo dito sa birtwal na mundo.

Hindi ko na mahagilap pa sa maliit kong brain ang iba pang dahilan kung bakit pinag-aaksayahan ko ng oras ang pagtunganga/pagbasa sa kung anu-anong shit sa datkom ni ginoong lio, ang ,mahalaga katulad ng iba pang gusto kong manunulat-blogger- isa siya sa inspirasyon ko upang lumikha ng isang makabuluhang akda hindi man para sa iba para sa aking sarili..

ps: tae, para lang blogger choice award… ehehe.

Paunawa: Lahat ng nasusulat sa akdang ito ay pawang katotohan, walang bahid ng kung anumang malisya, pang-uuto o kung anupaman.