MAGIC SARAP!


MAGIC yan yung naramdaman ko nung nagsimula kaming mag-usap. Gabi-gabi Ate Charo wala akong hinihintay kundi ang pagtawag niya. Wala namang fireworks at banda na naglabasan pero sa hindi maipaliwanag na dahilan kinikilig ako. Oo kinikilig ako, pro slyt lang (chos). Yung kilig na akala ko sa pag-weewee ko lang nararamdam, at ang bangs ko grabe ang haba-haba, napaikutan niya na yata ang buong Southeast Asia. (Landi!)

Kulitan, tawanan, madalas walang kakwenta-kwenta ang usapan na umaabot ng madaling araw. Anak ng baklang kambing! Noon ko lang naranasang umabot ng pakikipagkulitan sa telepono ng hanggang alas-3 ng umaga ng walang pakundangan kung magising ko man ang manok ng kapitbahay dahil sa ingay at tawa ko. Noon ko lang din naranasan na kahit gusto ko ng tungkuran ng toothpick ang pilik mata ko sa sobrang antok hindi ko magawa kasi binubuhay niya ang kaluluwa ko. At noon ko lang din naranasan Ate Charo ang pumasok sa opisina na parang lobo ang ulo ko (Lutang!), daig ko pang nakadrugs. High na high, heavy pare!

Nagsimula ang tuksuhan, nauwi sa selosan pero walang masabing dahilan. Kinilig, umasa at kinilig ulit. Tae lang! Walang panama at panis ang moves nina Karen, Myrtle at ang mga Kambal sa pagkaPBB Teens ko. Pero akala ko lang pala un Ate Charo, akala ko mahalaga ako sa kanya, pero hindi! hindi! Oh HINDI!

Parang tinadyakan ang puso, atay, balun-balunan at bituka ko ng mga kabayo ng sinabi niyang …FRENDS LANG TEO DBA? Nasaktan ako Ate Charo, nadurog ng pinong-pino ang mundo ko ng magsimula s’yang magbago. Para s’yang teroristang sumusulpot pra lang i-headshot ako. Sana pala isinahog na lang niya ako sa sopas at pinakain sa mga gusto lng makikain atleast natuwa pa ko.

Putek! Ang weak ko daw sabi ni pare. ‘Di man lang daw ako magpakipot. Syete, bakit kailangan magpakipot? Nanliligaw, nanliligaw? Assuming nga ako, kaya ayun daig ko pang nalaglag sa 27th floor ng Crown Regency hotel na pagbagsak sa ground floor eh buhay na buhay pa pero lasog-lasog na ung katawan. Pahirap! Matuturing bang lovestory? Hindi kasi wala namang love at storyang nabuo.

At gaya ng MAGIC… bigla na lang nawala sa isang kisap mata…

4 thoughts on “MAGIC SARAP!

  1. Ahahha, di ko mapigilan pero natatawa ako habang nagbabasa, Sorry po. kala ko pa naman okay na kase abot hanggang dito yung kilig mo nung isang araw.. isa lang ang tanong ko, pag kinikilig kase ako habang nagwiwiwi may iba pa kong nararamdaman nun.. ganun ba rin yung kilig mo? (ninja!!)

    • Nyay! bukod dun wala na po. Oo nga, sayang, napurnada. Kasaklap!
      Salamat pala sa pagkakadapa sa aking bahay 😀

  2. Magandang pasko sa iyo, Lian… 🙂 sana ikaw ay nasa mabuti. maganda ang iyong kwentong rise and fall, medyo maiksi pero kaya mo na maybe na gawan ng longer and more nuanced version for your private consumption, baga… isang kwentong pigaan ng spleen, anak ng tinapay na leavened, hihi. alam mo na ‘yon, ang importante, minsang sumaya, nangahas at buhay pa, matapos magkalasug-lasog, tsows. ^^

    love is dead. long live love! regards… 🙂

Leave a comment